Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Teatro Pulitikal
Teatro Pulitikal
Teatro Pulitikal
Ebook371 pages3 hours

Teatro Pulitikal

Rating: 2 out of 5 stars

2/5

()

Read preview

About this ebook

A collection of five plays by award-winning writer Malou Jacob: Juan Tamban, Macli-ing, Pepe, Anatomiya ng Korupsyon (Anatomy of Corruption), Pulitika ng Buhay at Pag-Ibig The Politics of Life and Love). Includes reviews of stagings. Text in Filipino.

LanguageEnglish
Release dateOct 10, 2017
ISBN9789712727436
Teatro Pulitikal

Related to Teatro Pulitikal

Related ebooks

Performing Arts For You

View More

Related articles

Reviews for Teatro Pulitikal

Rating: 2 out of 5 stars
2/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Teatro Pulitikal - Malou Jacob

    Teatro Pulitikal

    Karapatang-ari © 2012

    Anvil Publishing, Inc.

    Malou Jacob

    Edisyong elektronik:

    Inilathala ng Anvil Publishing, Inc. para sa De La Salle University-Manila na may natatanging kasunduan.

    Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan ng reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.

    Inilathala at ipinamamahagi ng

    ANVIL PUBLISHING, INC.

    7th Floor, Quad Alpha Centrum

    125 Pioneer Street, Mandaluyong City

    1550 Philippines

    Sales & Marketing: 4774752, 4774755 to 57

    Fax: (632) 7471622

    marketing@anvilpublishing.com

    www.anvilpublishing.com

    Disenyo ng pabalat ni Ige Ramos

    Disenyo ng aklat ni Jo B. Pantorillo

    ISBN 9789712727436 (e-book)

    Version 1.0.1

    TO PARENTS OF FORGOTTEN CHILDREN

    MGA NILALAMAN

    Juan Tamban

    Macli-ing

    Pepe

    Anatomiya ng Korupsyon

    Pulitika ng Buhay at Pag-ibig

    Rebyus ng mga Dula

    PAGKILALA

    Kina: Rosabel Morado

    Bing Sobrepeña

    Ed Imperio

    Jun Jarme

    Abby Adrias

    Rey Rastrollo

    at Julio Sambajon;

    sa Daily Globe, The Observer, Midday, The Philippine Star, The Manila Chronicle, Philippine Journal, Diyaryo Filipino, Daily Globe, Malaya, The Sunday Times Magazine, at Manila Standard, na unang pinaglathalaan ng mga rebyung kasama sa koleksiyong ito.

    ANG BATA AY DAPAT AKAYIN.

    SIYA AY WALANG MALAY.

    SA MGA MAPAGSAMANTALANG PUWERSA NG LIPUNAN,

    SIYA AY WALANG KALABAN-LABAN.

    I didn’t know I was going to write JUAN TAMBAN. In the first place, I didn’t want to write about children. Childhood was not so pleasant for me. I felt that maybe I was not ready for it. But the topic had a soft spot, and it was very interesting—a child, neglected, an orphan. Besides, sooner or later, I’d have to write about that stage in life—I might as well do it. So I took the task and did the initial studies.

    I really got attracted to the character of Estong—the helplessness of a child. These are my very personal feelings about children. The part of your life when other people should be responsible for you.

    JUAN TAMBAN

    Mga Tauhan:

    Juan

    Marina

    Mang Tino

    Mr. De Leon

    Aling Lucia

    Mike

    Ale

    Huwes

    Mr. Torres

    Mrs. Torres

    Gina

    Margie

    Rey

    Jun

    Mang Johnny

    Mr. Velasquez

    Mga Bata/Antonio/Lito

    Mga Pulis

    Ilang Tinedyer/Mga Istambay/Boy 1/Boy 2

    Mga Doktor/Mga Abogado

    Mga Atendant/Mga Interno

    Mga Manggagawa/Mga Tindero’t Tindera

    Babae 1, 2, 3, 4

    Mang Nando

    Mag-asawa

    Fatima

    Jaime

    Nagwagi sa National Book Awards, Palanca Memorial Awards for Literature, at sa UNESCO ITI Venezuela Playwriting Competition

    TAGPO 1

    Biglang magbubukas ang ilaw sa kalagitnaan ng Quiapo, Biyernes ng Hapon. May ilang miyembro ng KORO ang lalakad patungo sa kanilang mga bangko; galing sa simbahan, galing sa pamamasyal, galing sa pamamalengke at iba pa. Maglalabo-labo ang tunog at ingay ng Quiapo, parang karnabal: sigaw ng mga konduktor ng mga sasakyan, sigaw ng mga nagtitinda ng sigarilyo, kandila, sweepstakes, at iba pa; mabilis at malamakinang boses ng manghuhula, boses ng isang babaeng nagkukumpisal at paring nagpapatawad; kantahang wala sa tono at damdamin, sa loob ng simbahan.

    Mangingibabaw ang sigaw ng isang bata at mabilis na pagpukpok ng patpat sa dalang malaking lata. May palamuti ang kanyang ulo’t katawan.

    BATA: (Habang nililibot ang buong entablado.) Panoorin! Panoorin!

    Panoorin ang pinakasikat na salamangkero ng Sta. Ana!

    Halina kayo! Huwag magmadali, huwag munang umuwi.

    Hindi ninyo panghihinayangan ang mga susunod na sandali.

    Halina kayo! Halina kayo! Panoorin! Panoorin!

    Panoorin ang pinakasigang salamangkero ng Sta. Ana!

    Panoorin si Juan Tamban! Sa kanyang kauna-unahang pagpapalabas!

    Ito lamang ang pagkakataon ninyong mapanood siya.

    Huwag magmadali, huwag munang umuwi.

    Hindi ninyo panghihinayangan ang mga susunod na sandali.

    Narito na, narito na si Juan Tamban! (Uulitin.)

    Salubungin natin ng palakpakan ang pinakasikat, ang pinakamagaling, ang pinakahihintay ninyong salamangkero ng Sta. Ana—si Juan Tamban!

    Yeeeee! (Sunod-sunod na pukpok sa lata.)

    May mga usyosong manonood. Sila’y magpapalakpakan. May mga bata ring makikisigaw ng yeeeeee!! May ilang mga turistang titigil. May potograper na kukuha ng mga litrato.

    Lalabas si JUAN. Yuyuko siya sa mga manonood sa kaliwa, sa kanan, at sa harap. Mag-uumpisa siyang magmadyik: buhat sa kanyang kahon, maglalabas siya ng kunwa’y butiki. Iwawagayway niya ito, lulunukin, at ipapakita sa mga manonood na wala na. Ilan sa kanila ang magmamadaling aalis. Lalapit si JUAN sa isang BATA at kunwari’y palalabasin sa tenga nito ang kinaing butiki. Ito’y pa-mime at buhat sa mga reaksyon ay malalaman nating butiki ang kanyang minamadyik. Magtatatalon ang BATANG kasama ni JUAN at pupukpukin nito nang sunod-sunod ang dalang lata.

    BATA: Yeeeee! Magaling, magaling ang salamangkerong si Juan. Yeeeee!

    Reaksiyon ng mga manonood.

    Ibabaliktad ng BATA ang dalang lata at lalagyan ito ng ilang sensilyo. Kakalugin ito habang isa-isang haharapin ang mga manonood. Ibabalik ni JUAN ang butiki sa kahon at kunwa’y maglalabas ng daga. Ito’y pa-mime din. Ipakikita ito sa lahat. At sa ritmo ng pagpukpok ng lata, dahan-dahang ipapasok ni JUAN sa bibig ang hawak na daga. Mangingilabot ang lahat; may ilang mapapaduwal; ang karamihan ay dali-daling aalis.

    MGA MANONOOD: (Magkukrus.) Hesusmaryosep! Maryosep namang bata ito! Nakapandidiri! Huwag ninyong lalapitan at baka sira-ulo!

    Walang maglalagay ng pera sa lata ng BATA. May tutulak kay JUAN: Umuwi ka na sa inyo! Tutuksuhin siya: Sira, sira, sira! Buang, buang, buang! Kunwa’y hahabulin niya ang mga ito, magtatakbuhan sila. Kunwa’y kukuha ng ipis si JUAN mula sa kanyang kahon, at ipakikita ito sa mga BATA. Makaseremonyang ilalapit ito sa kanyang bibig, habang tinutukso siya ng mga bata.

    MGA BATA: Juan, Juan Tamban, bulok ang tiyan. Beeeeeee! (2x)

    Darating ang dalawang PULIS.

    MGA PULIS: Putang-inang bata ito, a! Ano ka ba, ha? Sira ka ba, ha? Baka akala ng mga puti, ‘yan ang kinakain ng mga Pinoy. Nakakahiya ka! Ano ka ba, ha? Ha?

    Hahawakan nila si JUAN. Magpupumiglas ito, pilit na aalisin ang pagkakahawak ng dalawang PULIS.

    MGA PULIS: Dali, sa ospital! Talagang may sakit ang batang ito!

    JUAN: Bitiwan n’yo ako! Wala naman akong ginagawang masama, a. Bitiwan n’yo ‘ko!! Naghahanap-buhay lang naman ako, a! (Hindi siya pakikinggan ng PULIS.) Putang-ina, ano baaaa!!!

    Mabubuo ang isang tableau. Hawak-hawak ng dalawang PULIS si JUAN na nakatungtong sa kanilang hita, habang ang KORO’y kumakanta.

    KORO: (Aawitin.)

    Juan Tamban,

    Bakit ka nagkaganyan?

    Ang tatay at nanay mo, nasaan?

    Ang bayan mo ba’y maaari mong asahan?

    Ano ba itong iyong napasukan?

    Ikaw ba’y mayroong patutunguhan?

    Anong kabihasnan ang iyong pinanggalingan?

    Ipis, butiki’t daga ang pantawid-buhay

    sa iyo’y ibinigay.

    Sa bawat araw ikaw ay pinapatay.

    Bakit ka pinagkakalooban ng buhay?

    Bakit ka pa pinagkalooban ng buhay?

    MARINA: Juan Tamban, anong magagawa namin para sa iyo?

    May panahon ba kami... Bakit kayo dumarami nang dumarami?

    Ibababa ng dalawang PULIS si JUAN nang pahiga sa bangko. Ang lahat ay ibabalik sa kanilang mga lugar sa KORO.

    TAGPO 2

    Si JUAN ay namamaluktot sa sakit, pinagpapawisan, nilalamig. Lalapit sa kanya si MARINA.

    MARINA: Juan, Juan, kumusta ka, Juan?

    Uungol si JUAN.

    MARINA: Anong nararamdaman mo?

    Uungol muli si JUAN.

    MARINA: Juan, ako’y isang kaibigan. Gusto lamang kitang makausap.

    JUAN: Ayaw kong makipag-usap, pagod ako.

    MARINA: Anong masakit sa iyo?

    JUAN: (Mabubugnot.) Ay! (Kakalampagin ang paa.)

    MARINA: Anong maitutulong ko sa iyo, Juan?

    JUAN: Ayoko sabing makipag-usap! Tanong ka naman nang tanong. Wala na kayong ginawa kundi magtanong! Naiinis na ako!

    MARINA: Gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo, a.

    JUAN: Ayokong makipagkaibigan!

    MARINA: Bakit, marami ka na bang kaibigan?

    JUAN: Wala. Basta, ayoko, ayoko, ayoko!

    Tatakbo nang paikot si JUAN sa gitna ng entablado, parang kinulong na hayop. Mamimilipit sa semento.

    JUAN: Aray, aray, pumuputok ang ulo ko...

    Aray, aray, may kumakalat sa tiyan ko...

    Aray, aray, ang sakit ng buong katawan ko...

    TAGPO 3

    Guni-guni ni JUAN.

    Magiging asul ang ilaw ng entablado. May maririnig tayong ingay ng mga butiki at daga buhat sa KORO. Dahan-dahang lalapit ang PULIS na may dalang mahabang kawayan. Sa tuktok ng kawayan ay may paper mache na pigura ng daga. Lalapitan nito ang namimilipit na si JUAN. Pagkatapos ay dahan-dahang lalabas. Babalik ang ilaw sa dati. Mahihintakutan si MARINA. Tatawag siya ng doktor. May darating na DOKTOR at dalawang ATENDANT mula sa KORO SA KANAN. Hahawakan nila ang nagkukumbulsyong BATA, pakakagatin sa isang maliit na kahoy o instrumento. Kakargahin ng mga ATENDANT si JUAN at ihihiga sa isang bangko. Itatali nila si JUAN sa bangko. May darating na ilang INTERNO buhat sa KORO SA KANAN. Palilibutan nila si JUAN.

    MARINA: Doktor!

    KORO: Juan Tamban. Dose anyos. Anak ni Justino Tamban at Lucia Bernabe ng Kalye Kapalaran, Sta. Ana.

    DOKTOR: Anong sakit ng pasyente?

    INTERNO 1: Lumabas sa pagsusuri na ang pasyente ay may anemia.

    INTERNO 2: May malaria.

    INTERNO 3: May mga alaga sa tiyan.

    INTERNO 4: At malamang na epileptiko.

    INTERNO 1: Ako ang gagamot sa kanyang anemia.

    INTERNO 2: Ako, sa kanyang malaria.

    INTERNO 3: Ako, sa kanyang tiyan.

    INTERNO 4: Ako, sa kanyang epilepsy.

    DOKTOR: Ang pasyente ay dinapuan ng maraming sakit.

    Ano sa palagay ninyo ang maaaring maging dahilan?

    INTERNO 1: Ang pasyente ay palaboy-laboy. Isang batang lansangan.

    INTERNO 2: Kulang siya sa pagkain.

    INTERNO 3: Kulang siya sa alaga.

    INTERNO 4: At kulang siya sa pagmamahal.

    MGA INTERNO: Pero ang sanhi nito’y wala sa larangan ng aming espesyalidad.

    Magtatalo ang KORO.

    KORO: (Kay Juan.) Ang buong ospital ay nagtatalo.

    Dahil sa iyo, sila’y nagkakagulo.

    Kinukulayan ng sariling interes,

    Ang pagtingin nila sa iyo.

    TAGPO 4

    Lalakad si MARINA patungo sa upisina ni MR. DE LEON.

    MARINA: (Ilalapag ang folder sa harap ni MR. DE LEON.)

    May kahirapan pala itong kasong ibinigay ninyo sa akin.

    DE LEON: Kung madali ‘yan, ibinigay ko na sa iba.

    MARINA: Marami siyang sakit...

    DE LEON: Oo, halo-halo ang sakit niya. May physical, may psychological, emotional, at spiritual...

    MARINA: Ano pang natitira sa kanya?

    DE LEON: Halos wala na nga.

    MARINA: Mahirap paniwalaan na ang batang walang-wala ay siya ring batang may hawak ng pinakamahalagang bagay sa akin.

    DE LEON: Ang iyong master’s degree.

    Tatango si MARINA.

    DE LEON: Nakakabigla nga kung minsan, di ba? Pero kung tutuusin ang lahat ay may kanya-kanyang halaga. Ultimo unggoy at daga ay importante—para sa mga siyentipikong nag-eeksperimento...at kung humihirap ang imbestigasyon, lalong sumasarap ang labanan, di ba?

    MARINA: Oo, pero kung marami ka pang hahawakang kaso para sa iyong thesis, makasasamang bumabad sa isa.

    DE LEON: Kaya mag-timetable ka, at gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para masunod ito.

    Pero ang pinakaimportante—you crack the case. You solve your first case and you’ll solve them all! Alam kong kaya mo ito. Hindi ako nagkamali sa pagbigay ko sa iyo nito.

    MARINA: Hindi pa naman ako naggi-give up.

    DE LEON: Kailan ma’y huwag kang susuko sa iyong kaso. Ang kaso mo ngayo’y napakainteresante. Masasabing pambihira’t di-pangkaraniwan. Naalala mo ‘yong diskusyon natin sa consultation class last month? Hindi ba’t pinag-usapan natin ang mahihirap na bata sa buong mundo ngayon? Ilan sila? 156 million! Malaking problema ‘yan. Si Juan ay isa sa isang daan limampu’t anim na milyong mahihirap na mga bata ngayon. Paglipas ng labinlimang taon, ang buong mundo’y magkakaroon ng pitong daang milyong mahihirap na mga bata. Ang kahihinatnan ng iyong imbestigasyon ay maaaring makapagbigay ng direksiyon, ng mga mungkahi kung ano ang dapat gawin... Kung nagugutom ang isang bata, at tumitindi nang tumitindi ang gutom nito, mapipilitan ba itong kumain ng ipis, daga, at butiki? Kung hindi, bakit si Juan? Anong kaibahan ni Juan sa ibang mga batang nasa kalagayan niya? At kung oo, aba’y kailangang kumilos tayo agad at malamang na magkakaroon tayo ng isang daan at limampu’t anim na milyong patay na bata sa ating konsiyensiya! Pero, huwag muna nating problemahin ‘yan. Ibinigay ko ang pinakamahirap na kaso sa aking pinakamagaling na estudyante. You think you deserve an A? Patunayan mo. Pagpawisan mo.

    Mapapabuntung-hininga si MARINA. Titingin kay JUAN. Ang mga INTERNO at DOKTOR na nakapalibot kay JUAN ay babalik sa kanilang KORO. Aalisin ng mga ATENDANT ang tali at ang instrumento sa bibig nito. Si JUAN ay nakatulog na. Aalis ang mga ATENDANT.

    TAGPO 5

    Lalapit si MARINA kay JUAN.

    KORO: Nakatapat ka, Marina.

    Ngayo’y hindi mo maaring talikuran

    Kailangang sugurin mo si Juan.

    Sino kaya sa inyo ang lalabas na sugatan?

    O, ano nga ba itong misteryo ni Juan?

    MARINA: (Kay natutulog na JUAN.) Malulutas kita, Juan. Malulutas din kita, alam ko. Pilit kong bubuksan ang iyong mundo. Bibiyakin ko ang iyong puso; hihimayin ko ang iyong diwa. Ang iyong buong katauhan, sa akin susuko.

    TAGPO 6

    Biglang magbubukas ang ilaw sa kabilang parte ng entablado. Nagtatawanan sina MRS. TORRES, GINA, MARGIE, MR. TORRES, MIKE, JUN, at REY. May bahagyang tugtog na maririnig, maaaring Mozart or Chopin, basta’t banyaga. May drinks at canapes sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay magkakagulo sila: Ayan na, ayan na si Marina. Dali magtago tayo, dali, at baka makita tayo!

    Magtatago silang lahat maliban sa mag-asawang TORRES. Pagdating ni MARINA, gugulatin siya ng mga kaibigan at babatiin ng Happy Birthday. Yayakapin siya ni MIKE.

    KORO: Ito ang daigdig ni Marina. Walang nabubuhay sa kahirapan. Ang makikita mo’y mga ngiti. Ang maririnig mo’y mga tawa. Dito, laging umaga.

    MIKE: Kanina ka pa namin hinihintay!

    GINA: Oo nga. Inovertime ka na naman ni de Leon, ano?

    MARGIE: Aba, masama ‘yan, Mike. Kailangang kasal na at baka masingitan ka pa.

    MIKE: Talagang kasal na. Ipakita mo nga Marina ang daliri mo.

    Itataas ni MARINA ang kamay. Mag-uumpukan sina GINA.

    GINA: Wow, engagement ring! Ilang K ‘yan, ha?

    Aba, totohanan na pala ito. Pero, kailan? Kailan?

    MIKE: Pagkatapos ng M. A. ni Marina.

    GINA: Oh, no...

    Magproprotesta rin ang ina.

    GINA: Aabutin kayo ng siyam-siyam. If I know, padaraanin ka (kay MARINA) ng de Leon na ‘yan sa butas ng karayom. Ako, kanina, inumpisahan na. Ang tanong ba naman sa akin, eh, "Gusto mo bang pumunta sa Benguet nang ilang buwan? May interesanteng kaso roon—isang tinedyer na sinaksak ang isang kalabaw dahil daw sa gusto niyang malaman kung matigas talaga ang kutis nito. Sabi ko sa kanya, interesante nga. Pero, ang sabi ko sa aking sarili—ako pupunta sa Benguet? No way. Kaya Mike, konting ingat, baka ipadala ni de Leon si Marina sa Virac.

    Magtatawanan sila.

    MIKE: Hindi naman niya gagawin ‘yon kay Marina. At saka cord sponsor naman siya, e.

    REY: Aba, sinasaywar mo si de Leon, a.

    Magtatawanan muli ang grupo.

    MIKE: Basta’t pagka-M.A. ni Marina, kasal. Kailangan din namin ang konting panahon para makapaghanda’t makapag-ipon.

    MR. TORRES: Huwag mong problemahin ‘yan. I’ll give you a tip. If you want a fast buck—go to construction.

    MIKE: Wala nga hong nangyayari sa empleyado.

    JUN: Saan hong construction?

    MR. TORRES: Any. Sand and gravel, trucks, steel, cement. May kumpadre ako, ilang taon sa trucks, may bahay na ngayong isang milyon.

    REY: Talaga ho? Ang galing! Pag nagkataon, maaari na tayong mag-asawa. (Magtatawanan ang tatlong binata.)

    MR. TORRES: Well, the economy is conducive to business. The market is predictable. Foreign investment is pouring in. Mabilis ang progreso ng buong bayan. Dapat namang huwag tayong mapag-iwanan.

    MRS. TORRES: Naku, sa bisnes na naman nahantong ang usapan.

    Baka hindi na tayo makapag-dinner sa labas nito.

    MR. TORRES: Siya, siya, let’s go, Iha. I am treating for dinner.

    MARINA: Saan, Pa?

    MR. TORRES: Saan pa—di sa Manila Hotel!

    Magkakagulo ang grupo habang sila’y paalis.

    TAGPO 7

    Papasok si MANG TINO, tulak-tulak ang kanyang kariton. Titigil siya sa harap ng isang basurahan at kakalkalin niya ito. Eksperto siya sa paghahanap. Itutulak muli ang kanyang kariton patungo sa susunod na basurahan.

    KORO SA KALIWA: (Aawitin.) Sa bawat hakbang na papala pit sa iyo

    Nag-unahan ang tibok ng puso ko

    Ang sagot sa tanong ko’y hawak mo:

    Kami ba’y kakain sa araw na ito?

    Si MANG TINO ay magpapatuloy sa pagtulak ng kanyang kariton. Buhat sa KORO SA KALIWA, si MANG JOHNNY, ang bodegero, ay titindig at magtratrabaho. Buhat naman sa KORO SA KANAN, si MR. VELASQUEZ, diler ng basura ay titindig din at tatawid sa kaliwa. May susunod sa kanya na mga LALAKI buhat sa KORO SA KALIWA at magtratrabaho para sa kanya. Magsisindi ng tabako si MR. VELASQUEZ, aalisin ang dyaket at magtataas ng manggas.

    MR. VELASQUEZ: (Aangatin ang telepono at magdadayal.) O, pare! Ano ba? Tig-sampung trak na itong mga lata ko’t lumang diyaryo. Kukunin n’yo na ba? Sinabi ko na sa inyo ang presyo ko. Baka maunahan kayo ni Mr. Lam. Kraftboard? Huwag muna ‘yon at naghihintay ako ng maganda-gandang presyo. Basta’t tawagan mo ako! Gusto kong mawala na sa akin ang sampung trak na ito’t marami pa akong darating. (Magdadayal uli.) O, pare! Ano ba? Tigsampung trak na itong mga lata ko’t lumang diyaryo. Kukunin n’yo na ba?

    Hihinto sa harap ni MANG JOHNNY si MANG TINO.

    MANG JOHNNY: O, Mang Tino, ano ba ang atin ngayon?

    MANG TINO: (Pa-mime na ilalabas ang mga dala buhat sa kariton.) Katulad ng dati.

    MANG JOHNNY: (Aabutin.) Pitong pera pa rin ito per kilo.

    MANG TINO: Katulad ng dati.

    MANG JOHNNY: (Iaabot kay MR. VELASQUEZ.) Kwarenta’y otso.

    MR. VELASQUEZ: (Kukunin kay MANG JOHNNY at iaabot sa kanyang empleyado.) Gawing beinte-singko.

    Kukuha ng pambayad si MANG JOHNNY para kay MANG TINO.

    MANG JOHNNY: Kuatro pesos.

    MANG TINO: (Ilalahad ang palad.) Katulad ng dati.

    MR. VELASQUEZ: (Nakaupo at nagkukuwenta.) Hmmm. Tatlong libong gross sa araw na ito. Hindi masama. (Lalagitikin ang dalawang daliri. Lalapit ang isang manggagawa.) Tig-dyidyis sa mga bata. (May iaabot na pera.) Sabihin mong maaga sila bukas at maraming gagawin. (Titindig at magdyadyaket.) ‘Yong mga lumang bakal ay i-hold muna.

    MANGGAGAWA: Opo, Mr. Velasquez.

    Lalakad si MR. VELASQUEZ tatawid patungo sa KORO SA KANAN. Ang mga MANGGAGAWA ay babalik sa KORO SA KALIWA.

    MANG JOHNNY: O, Mang Tino, bakit ho?

    Babale na naman kayo?

    MANG TINO: E, nagsara na ho ang mga sabungan, hindi na ho ako makakapagkristo, pa-ekstra-ekstra na lang ako sa mga konstruksyon.

    MANG JOHNNY: Naku, e, talagang ganyan ang buhay.

    MANG TINO: Mang Johnny, alam n’yo namang sa basura ko lang binubuhay ang pamilya ko e.

    MANG JOHNNY: Ikaw kasi, e, hindi ka makapaghintay ng magandang presyo.

    MANG TINO: Alam n’yo namang hindi nagbabago ang presyo ng bote at diyaryo.

    MANG JOHNNY: O, sige, ayan ang dalawang piso.

    MANG TINO: Dagdagan n’yo naman...

    MANG JOHNNY: Ay naku, wala na akong maibibigay sa iyo.

    MANG TINO: Sige na ho, babayaran ko naman.

    MANG JOHNNY: Bayaran mo man o hindi, wala na akong maibibigay. Mabuti pa, e, huwag mo na ngang bayaran, bigay ko na lang sa iyo ‘yan. (Hindi makakibo si MANG TINO.) O sige, may pupuntahan pa akong ibang bodega d’yan.

    Lalabas na rin si MANG TINO, tulak-tulak ang kanyang kariton.

    KORO: (Aawitin.) Maharap ko kaya ang bukas...

    Maharap ko kaya ang bukas...

    Ang gawaing pampalipas ng oras.

    Ang gawaing pampalipas ng buhay.

    TAGPO 8

    Si JUAN na nakatalikod sa mga manonood ay inieksamen ng DOKTOR.

    DOKTOR: Ayan, magaling-galing ka na. Mag-iingat ka na, ha? Huwag ka nang kakain ng marumi.

    Ibababa ng DOKTOR ang kanyang T-shirt.

    DOKTOR: Eto ang labakara. Magiging pawisin ka nang ilang araw.

    Aalis ang DOKTOR. Darating si MARINA, may bahagyang hang-over, pero pasasayahin ang sarili.

    MARINA: Hi!

    Hindi siya lilingunin ni JUAN, kaya haharapin niya ito.

    MARINA: Aba, may bubble gum ka. Sinong nagbigay sa iyo?

    Hindi sasagot si JUAN.

    MARINA: Ako si Marina. Ikaw siguro si Juan?

    Tatalikuran ni JUAN si MARINA at haharap sa mga manonood.

    MARINA: (Sa sarili.) Sey, inisnab ang byuti ko! (Kay Juan.) Oo, ikaw nga si Juan Tamban. Ikaw ‘yong sinasabi ng mga nars at attendants na napakabait na bata.

    Papuputukin ni JUAN ang kanyang bubble gum.

    JUAN: (Kakanta habang naglalaro ng mga lastiko.)

    Ang bagong lipunan, walang ama, walang ina...

    MARINA: Aba, magaling ka palang kumanta. Turuan mo naman ako, o. Saan ka natutong kumanta? Nag-aaral ka ba? Siguro music ang favorite subject mo ano? Hindi pa rin siya papansinin ni

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1