Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hiram na Asawa
Hiram na Asawa
Hiram na Asawa
Ebook116 pages1 hour

Hiram na Asawa

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Peke ang kasal ni Natasha. Si Jake naman ay hinahanap ang asawang sampung taon nang nawalay sa kanya. Nagpanggap ang dalawa na sila ang nagpakasal sa loob ng limang araw.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJun 27, 2018
ISBN9780463009734
Hiram na Asawa
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Hiram na Asawa

Related ebooks

Reviews for Hiram na Asawa

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hiram na Asawa - Romantique

    CHAPTER ONE:

    NATATAKOT ako, Jake.

    Huwag kang matakot, Celia. Hinaplos ng isang palad ni Jake ang isang braso ng kasintahan bago kinawit ang maliit na beywang para mapasandal ang malambot na pisngi sa malapad na dibdib.

     Hindi kita pababayaan.

    H-hindi ako mapapatawad nina Mama at Papa. Tumukod ang mga palad kaya nakakawala si Celia buhat sa maluwang na pagkakayapos ni Jake.

    Pakakasalan kita, Celia. Mahal na mahal kita.

    A-alam ko, pero ayaw nila sa 'yo. Tutol sila sa pagmamahalan natin, Jake.

    Wala na silang magagawa kung kasal na tayo, Celia.

    H-hindi nila kikilalanin ang kasal natin, Jake.

    Legal ang huwes na magkakasal sa atin, Celia. Pareho tayong nasa hustong edad. Beinte singko si Jake at beinte dos si Celia. Wala nang makakapigil sa kanilang pagpapakasal.

    P-pero--

    Oh, Celia, huwag mong sabihing magbabago pa ang isip mo? Muling niyapos ni Jake ang kasintahan. 

    Mahal na mahal kita! Ginawaran ng masusuyong halik ang mga mata at ilong bago inangkin ng buong alab ang mga labi.

    M-mahal na mahal din kita, Jake--pero natatakot ako sa mga magulang ko! ang pabulalas na pahayag ni Celia makalipas ang maraming mahahabang sandali.

    Wala kang dapat ikatakot, mahal ko. Hinding-hindi kita pababayaan, Celia.

    B-baka mapatay ka nina Itay, Jake. Nag-aalala ako sa kapakanan mo.

    Hindi nila magagawa 'yon sa ama ng magiging apo nila. Sinadyang bahiran ng himig-pabiro ang tono ni Jake upang gumaan ang atmospera. 

    Huwag ka nang mag-alala nang husto, Celia. Hihingi ako ng tawad sa kanila para sa ating dalawa. Lahat ng hilingin nila ay gagawin ko para mapatawad nila tayo.

    Talaga? Oh, Jake! Ngayon ako naniniwalang mahal mo nga ako! Sumiksik sa tagiliran ng leeg ni Jake ang mukha ng katipan.

    Hindi ka pa rin ba naniniwala hanggang ngayon? Buong paglalambing na hinaplos ng mga daliri ni Jake ang mahahabang hibla ng buhok. 

    Ikaw ang buhay ko, Celia. Ikaw ang inspirasyon ko para matupad ang maraming pangarap ko sa buhay.

    Aalis ka pa rin ba? Iiwanan mo ako?

    Oo, Celia. Kailangan kong umalis para makaipon agad tayo. Sandali lang naman ang dalawang taon.

    Pero ayaw kong maiwanang mag-isa, Jake. Baka kung ano ang gawin sa akin nina Itay. Muling bumadha ang matinding takot sa magandang mukha ng kasintahan.

    Hindi ka nila sasaktan, Celia. Ako ang bahala. Kakausapin ko sila. Ipagtatanggol kita sa kanila. Isa pa, wala na silang karapatan sa 'yo sa sandaling maging asawa na kita, ang mahabang pahayag ni Jake.

    Ipagtatanggol mo ako? paniniyak ni Celia. Nakatingala habang nakatitig sa mukha ni Jake.

    Ipagtatanggol kita kahit na kanino, Celia. Ganyan kalaki ang pagmamahal ko sa 'yo.

    Oh, Jake, salamat! Mahal na mahal din kita! Muling humigpit ang pagkakayapos ni Celia.

     Ano'ng oras nga pala tayo magpapakasal? Medyo ngamol ang boses dahil nakadikit ang bibig sa balat ni Jake nang magsalita.

    Gumanti ng yakap si Jake habang sumusulyap ang mga mata sa labas ng munting kuwadradong bintana. 

    Iniayos niya ang posisyon ng katipan. Marahang inihiga mula sa pagkakasandal sa pinagpatung-patong na unan.

    Matulog ka na muna, Celia. Mamayang ala una pa ang appointment natin sa huwes, ang masuyong bulong ni Jake habang hinahagkan ang isang teynga.

    Huwag mo akong iiwan, ha? anas ni Celia. Halatang nag-aagaw-antok na ang ngamol na tinig.

    Oo, mahal. Hindi kita iiwan, pangako ni Jake.

    Isang mumurahing motel ang pinuntahan ng magnobyo kagabi. Doon sila nagpalipas ng magdamag matapos magtanan.

     Isang makitid na katreng may bukul-bukol na kutson ang naging saksi sa pagsasalo ng dalawa sa mainit na pag-ibig.

    At isang payak na entresuwelo sa Vasco naman ang magiging pansamantalang pugad nila kapag nakasal na.

     Mananatili muna doon si Celia habang bumubuno ng dalawang taon sa Dubai si Jake, bilang engineer.

    Kung tutuusin, hindi naman kahiya-hiya ang katayuan ni Jake. Isang lisensiyadong civil engineer at may naghihintay na magandang posisyon sa isang Dubai-based construction firm.

     Ngunit minamaliit siya ng mga magulang ni Celia dahil ang kumakaribal ay isang mayamang negosyante ng kopra sa probinsiya. 

    Ang iniregalo ay bahay at lupa, puhunan sa tindahan, at mga mamahaling manok na pansabong.

    Samantalang si Jake ay maghihintay pa ng dalawang taon bago makabili ng bahay at lupa. 

    Kailangan pang mag-renew ng isa pang two-year contract para makapagpundar ng sariling negosyo.

     At malamang na hindi magkaroon ni isang manok na pansabong dahil walang kahilig-hilig sa pagsasabong.

    Kaya nga itinanan na lamang ni Jake ang nobya. Siguradong matatalo siya sa paligsahan ng paramihan at pagarahan ng regalo!

    Nakatulugan ni Jake ang pag-iisip. Nagising siya nang may kumatok sa plywood na pinto.

    Tapos na ang shorttime! Magdadagdag na kayo ng bayad! Naulit ang hiyaw na iyon nang kumatok sa iba pang pintuan.

    Unggh, ano daw? Naalimpungatan si Celia mula sa pagkakahimbing.

    Ssh, wala 'yon. Matulog ka pa. Maaga pa, bulong ni Jake.

    Ano'ng oras na ba? Bumago ng posisyon si Celia habang paungol na nagtatanong.

    Alas... Marahang hinila ni Jake ang kaliwang braso. Namanhid na ang biyas dahil nakayapos sa babae habang natutulog. Sinulyapan niya ang relong panggalang. 

    Nuwebe. Alas nuwebe diyes pa lang.

    Ano? Tanghali na pala! Biglang bumalikwas ng bangon si Celia. Natatarantang dinampot ang mga damit na nakatiklop sa ibabaw ng silya. Nagbihis agad. 

    Bakit hindi mo ako ginising agad?

    Bakit? May pupuntahan ka ba ngayon? taka naman ni Jake.

    Papasok ako sa trabaho. Tumayo si Celia para maibutones ang pantalong maong. Tapos na agad isuot ang mga underwears.

    Hindi ba't naka-leave ka ngayon? Magpapakasal tayo mamayang hapon, paalala ni Jake.

    Biglang napahinto si Celia. Nanlalaki ang mga mata nang humarap sa kanya.

     O-oo nga pala! Pabulalas. Sorry, Jake. Nakalimutan ko!

    Napamaang si Jake. Nakalimutan mo na agad?!

    I'm sorry talaga, ulit ni Celia. Pabagsak na naupo sa katre. Ano'ng oras ba tayo magpapakasal?

    Ala una pa. Sinimulan na ni Jake ang pagbibihis. Pero puwede na tayong lumabas ngayon--para makakain muna tayo bago magpunta sa city hall.

    Sige. Ipinagpatuloy ni Celia ang pag-aayos sa sarili. Ginamit na panghilamos ang isang panyong isinawsaw sa pitsel na may lamang tubig.

    Isang puting bimpo naman ang ginamit ni Jake. Binasa ang isang dulo para ipamunas sa mukha, batok at leeg.

    Makalipas ang labinlimang minutong katahimikan, kapwa na sila nakabihis at nakaayos.

    Ganito na lang ba tayo pupunta sa huwes? usisa ni Celia. Hindi na ba tayo magpapalit ng damit?

    Siyempre, hindi. Ngumiti si Jake bago ginawaran ng magaan na halik ang makinis na pisngi ni Celia. 

    Dadaan tayo sa isang department store pagkatapos nating kumain ng almusal.

    Ibibili mo ako ng bestida? Namimilog ang mga mata ng katipan. Parang musmos na bibigyan ng regalo.

    Oo.

    Akala ko ba, naubos na ang pera mo sa pagbabayad ng placement fee?

    May nakalaan para sa pagpapakasal natin, Celia, paliwanag ni Jake. 'Lika na, baka tanghaliin na nga tayo.

    Naglaan ka rin ba ng pera para sa wedding rings natin?

    Oo naman.

    Lumuwang ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1