Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ex With Benefits
Ex With Benefits
Ex With Benefits
Ebook213 pages3 hours

Ex With Benefits

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Ilang beses nang naghiwalay sina Adam at Arkisha, at ilang beses na rin nilang isinumpang hindi na sila magkakabalikan pa. Pero para bang palagi silang pinaglalapit ng tadhana-- a.k.a. “benefits”. They fulfill each other’s need. Pero paano kung sa benefits ay mayroong feelings ulit na mabuo? At magdulot ito ng betrayal at kasinungalingan, dahilan para mas lalo nilang masaktan ang isa’t isa? Paano maibabalik ang pagsasamang nabuo eight years ago kung ang taong kanilang minahal ay malaki na ang ipinagbago?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJul 8, 2020
ISBN9781005364908
Ex With Benefits

Related to Ex With Benefits

Related ebooks

Reviews for Ex With Benefits

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ex With Benefits - Ruth Mendoza

    EX WITH BENEFITS SECRETS AND LIES

    ©Copyright 2018 by ABS-CBN Publishing, Inc.

    All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or any electronic means, including information storage or retrieval systems without permission in writing from ABS-CBN Publishing, Inc.

    Author Ruth Mendoza

    Editors Kuiejor Garces, Nerlyn Lamason

    Art Director Alfred Bonifacio Amado

    Editorial Coordinators Noella Ann Fonbuena, Carl Chuidian

    President Ernesto L. Lopez

    Head, Print Publishing Mark J. Yambot

    Head, Retail Operations Ma. Kristine V. Hernandez

    Textual Landscaper Alexie Renz M. Cruz

    Pre-Press Production Manager Andy Lizardo

    Digital Imaging Supervisor Gil Cargason

    Digital Artist Mark Gregory Casabar

    Production Coordinator Jouie Mar Doca

    Head of Lifestyle Ecosystem Paolo M. Pineda

    Sr. Finance Officer Myca G. Ramos

    Finance Manager Rowena Dote

    Finance Analyst Camille Batongbakal

    Interns Denise Triviño,

    Karizza Regino and Xamantha Asdisen

    Published by

    8F ELJCC Building Mother Ignacia St. cor. Eugenio Lopez Drive Quezon City, Philippines

    To my ex...

    Nope.

    This book is not for you.

    Previously on Ex with Benefits

    Sabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. That was not the case between me and my ex-boyfriend na itago na lang natin sa pangalang Adam Jacob. He is the successor of Castrences Group of Companies. We broke up because of her ex-girlfriend named Scarlett. But hell, we really couldn’t resist each other. Who would have thought na mas tatagal kami sa ganitong set-up?

    It’s a long story but I’ll try to make it short. May twin sister si Adam, sina Paris and Venice. Identical twins sila. Paris was rooting for Scarlett, gagawin niya ang lahat magkabalikan lang sina Scarlett at ang kapatid niya. Habang si Venice naman, she’s on my side.

    Nung in-invite ako ni Adam na pumunta sa isang party ng kaibigan niya, I met Brent who happened to be Scarlett’s younger brother. Sinabi ni Brent kay Adam na gusto niya akong i-date at nasaktan ako nung nalaman kong pumayag siya. Na ipinamimigay niya na ako. I love him. I still love him even if it sounds crazy kasi ganun naman talaga kapag nagmahal ka, dapat handa kang magpakatanga.

    Ang confusing nga e. Kasi nung gabi ring ‘yun, sinabi ni Adam sa akin na mahal niya ako. Sobrang saya ko no’n kasi akala ko, finally, graduate na kami sa pagkakaroon lang ng benefits. Pero nagbago ang lahat nung umuwi si Scarlett sa Pilipinas. Pinikot niya si Adam. Sinabi niyang kaya siya nag-abroad ay dahil nabuntis siya nito. She did everything para mabawi si Adam mula sa akin. Kinuntsaba niya pa nga ang kapatid niya para i-set up ako at isipin ni Adam na nakipag-sex ako dito. Nung nag-back out sa plano si Brent, Scarlett tried to kill me! Mabuti na lang at bumaligtad ang kapatid niya at ito ang tumulong sa akin na dalhin ako sa hospital nung pinagtangkaan akong patayin ni Scarlett. Sa hospital lang namin nalaman lahat na ‘yung sinasabi ni Scarlett na anak nila ni Adam ay anak pala ni Brent sa dating girlfriend nito na namatay na at kay Scarlett ipinagkatiwala ang bata. That b*tch will really do anything just to win Adam back.

    Sa hospital ding ‘yon namin nalaman na buntis pala ako. I called Adam, pero lunod pa rin siya sa mga pangbe-brainwash ni Scarlett sa kanya. Hindi pa rin siya naniniwala na walang nangyari sa amin ni Brent. Sinabi niyang hindi siya ang ama ng batang dinadala ko. I was deeply hurt. Bakit mas pinaniwalaan niya si Scarlett kesa sa akin? Kahit pa si Brent na mismo ang nagsasabi sa kanya na it was just a setup. Nothing really happened. I tried convincing Adam to listen, but he despised me. Hanggang sa ‘yung love ko sa kanya ay naging hate na. Nakakapagod ding magmahal sa taong sarado na ang isip at puso. I decided to go home. Umuwi ako ng probinsya at nagpaalam ako sa mga kaibigan ko.

    Nag-insist si Venice na siya ang maghatid sa akin sa probinsya. Sabi ni Venice, nasa kulungan na raw si Scarlett, si Brent daw mismo ang nagpakulong dito because of what she did to me. By that time, I was already avoiding her brother kahit na gusto na nitong makipag-usap at makipag-ayos sa akin. Too late. I’ve already moved on at masyado na akong nasaktan sa mga pinagsasabi niya.

    My life in the province was more peaceful. I was a single-mom-to-be to my twins. And Ian, my ten year old brother was there to help me. He’s young, but he’s also smart. I love him, kasi nag-iisa ko lang naman siyang kapatid.

    Isang araw na lang, nakita ni Ian na nasa harap ng bahay namin si Adam, begging to see me, pero hindi ko siya pinansin. He was able to convince my brother and my beki friend, Jam, na tulungan siyang suyuin ako at sa bahay muna siya tumira. My mom agreed, dahil si Adam naman daw ang ama ng mga anak ko.

    And the next thing I knew, we’re already kissing. Unti-unting lumambot ang puso ko hanggang sa tuluyan na rin akong bumigay. We got married. Kumpleto ang lahat ng mahal namin sa buhay nung ikinasal kami. I even invited Brent. Nabawi na niya ang anak niya. Oh! And I heard he and Paris are dating.

    My relationship with Adam was like a roller coaster ride. Literal! But I like where it brought us. Now, I am Arkisha Aragon-Castrences at ang lalaking katabi ko na nakayakap sa akin ngayon ay si Adam Jacob Castrences.

    My ex-boyfriend.

    Ex, because he is my husband now.

    You think you already know our story?

    Just wait, because there’s more to tell.

    After 8 years…

    Arkisha’s P.O.V.

    But, Mom! sigaw ni Madison nung ipaligpit ko sa kanya ang mga laruan niya.

    No but’s, Madison Sydney. When I say get your things, you will get your things! utos ko sa batang babae na hanggang ngayon, nagta-tantrums pa rin.

    Kagabi ko pa naimpake ang gamit nilang magkapatid. Ang kailangan lang niyang gawin, kunin `yon sa kwarto niya. Pero mas pinili niyang maglaro dito sa kwarto ko habang nag-iimpake ako ng sarili kong gamit.

    Hindi mo ba talaga ako susundin? nagsasalubong na ang dalawa kong kilay. Hindi pa rin natitinag sa pagkakaupo si Madison at patuloy ang pagta-tantrums niya. Matatapakan na naman ng kuya mo `yang mga Lego na `yan!

    I’m ready!

    Lumingon ako at nakitang nakatayo ang aking 8-year-old son sa tapat ng pintuan ng kwarto. Bitbit na nito ang maliit niyang traveling bag at abot-tenga ang ngiti. Hindi ko napigilan ang sarili kong itigil ang ginagawa ko at halikan sa pisngi ang aking panganay. He’s the eldest dahil siya ang unang lumabas, nahuli lang ng kaunti si Madison.

    Hindi ako sasama! may himig ng pagtatampong sabi ni Madison.

    Binitiwan ko si Landon at nilapitan ang aking bunso na nagmana yata sa akin ng katigasan ng ulo.

    Can you please tell me why you don’t want to go, young lady? tanong ko sa kanya habang nakatungo.

    Because I don’t want to, casual na sagot niya. Hindi lang katigasan ng ulo ang namana niya sa akin, kamukhang kamukha ko rin siya.

    Whether you like it or not, sasama ka. Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw mong sumama sa probinsya.

    Bago ko siya tinalikuran, inutusan ko uli siyang iligpit ang mga laruan niya. Kung hindi niya pa rin ako susundin, makakatikim na talaga siya sakin. Bumalik ako sa pag-iimpake ng gamit. Malayo-layo rin ang byahe namin kaya kailangan naming umalis nang maaga.

    Paglingon ko, wala na si Madison at wala na rin ang mga Lego na nakakalat sa sahig. Nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas, sinunod niya rin ako.

    Mom, magtatagal ba tayo kina Lola? tanong ni Landon sabay patong ng traveling bag niya sa kama ko.

    I don’t know. Ayaw mo rin bang pumunta sa kanila? nag-aalala kong tanong.

    Of course not! Excited na nga akong magbakasyon doon. Excited na akong maligo sa beach! And Tito Ian will be there, right?

    Tumango ako at ginulo ang buhok niya. Summer ngayon, so I guess naroon din si Ian. Maliban na lang kung itinuloy niya ang planong mag-take ng summer classes.

    Yes! sigaw niya at tumakbo siya papunta sa kwarto ni Madison na nakasara ang pinto. Madi, what’s taking you so long?! Gusto ko nang umalis!

    Bumukas ang pinto at iniluwa n’on si Madison. Dala na niya ang kanyang mga gamit. Gusto mo nang umalis? Tulungan mo kaya akong magdala ng gamit ko? mataray niyang sabi.

    No way! sagot ni Landon at tumakbo ito pabalik sa `kin.

    Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Madison. Madi, pakilagay na sa kotse ang mga gamit mo, sabi ko bago ako bumaling kay Landon.

    Ikaw rin. Tulungan mo akong maglagay ng mga dadalhin natin sa kotse.

    Tumango ang dalawa at tahimik na sumunod sa utos ko. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng mga dadalhin namin at isa-isang isinakay ang mga iyon sa kotse. Kanina ko pa inihabilin sa caretaker ang bahay namin. Two to three weeks lang naman kaming mawawala.

    Pinayuhan ako ni Papa na magpahatid sa driver niya pero tumanggi ako dahil mas gusto kong mag-drive pauwi sa probinsya namin. Therapeutic kasi ‘yun sa akin. I just need to breathe.

    Nang maisakay na namin sa kotse ang mga gamit namin, tiningnan ko si Madison. Madi, do you want to sit beside Mommy? paglalambing ko sa bunso ko.

    Nagsalubong ang mga kilay ni Landon. But that’s my seat!

    No, matipid na sagot ni Madison at walang ganang tiningnan si Landon. You can have your seat, Kuya.

    Napabuntong-hininga ako. Okay. C’mon, guys, get in the car, utos ko at agad naman silang sumunod. Tahimik kaming nagbiyahe.

    Kalahating oras pa lang kaming nasa byahe nang mapansin kong natutulog si Landon na nakaupo sa passenger’s seat. Habang mag-isa namang nakaupo si Madison sa backseat. As usual, may kausap na naman siya cell phone. Nakangiti siya at paminsan-minsan, tumatawa. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

    ***

    MAKALIPAS ang ilang oras na pagbibiyahe, maayos kaming nakarating sa bahay nina Mama. Tinulungan ako nina Mama at Jam na ibaba ang mga gamit namin. Nahirapan pa nga akong gisingin si Madison na nakatulog na rin pala sa biyahe. Nagising naman si Landon nang makarating kami.

    Walong taon na ang nakalipas mula nang huling umuwi ako dito. Medyo tumanda na ang Mama ko pero hindi `yon gaanong mahahalata dahil masaya siyang kapiling si Papa. Speaking of Papa, nagpaiwan siya sa Manila para pansamantalang asikasuhin ang kumpanya habang nagbabakasyon ako. Naalala ko tuloy ang huli naming pag-uusap…

    "You know what, you should take a break," suhestiyon ni Papa.

    "Pero `Pa, paano ang Daily Routine?" tanong ko.

    "You can leave it to me for a while."

    "Thanks ,`Pa. Tama ka, I think I really need a break…"

    Ako na ang bahala sa kanya, sabi ni Jam, ang aking beki friend. Natauhan ako at napatingin kay Jam nang magsalita siya. Binuhat niya si Madison mula sa backseat. Muling ipinikit ni Madison ang mga mata niya kahit gising na siya.

    Nasaan po si Tito Ian? tanong ni Landon kay Mama at hawak-hawak pa ang kamay niya.

    Nasa palengke lang. Bumibili ng pagkain natin.

    Dapat isinama niya ako, nanghihinayang na sabi ni Landon.

    Padating na rin ‘yon, apo. `Wag kang mag-alala, sabi ni Mama sa kanya.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1