Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Antique Heart 3: Liwanag: Claire
Antique Heart 3: Liwanag: Claire
Antique Heart 3: Liwanag: Claire
Ebook202 pages4 hours

Antique Heart 3: Liwanag: Claire

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

In my world where pain dominates joy, where magic wasn't supposed to be real, I've seen something happened.

 

Something extraordinary.

 

Magic exists.

 

Yes, at nasa reality ko na iyon ngayon. Nakilala ko ang twin Guardians ng mystical island—Xantus and Valtur. Isinama ako ni Valtur sa isla at na-witness ko ang hiwaga sa Ilumina, na malinaw na makikita ng mga mata pero sa pagtawid ng ibang mundo, walang nadadala kundi magagandang alaala.

 

Nagpakita na rin ng totoong mukha ng Tanglaw sa Silangan—nag-grant ang wishes ko, at ng Pilak na Orasan na nagamit naman ni Ivan para makabalik kami sa past at malaman ang secrets ng family niya.

 

Parang nasa dream ko lang ang mga scene pero iyon na naging reality ko. Sa part na `to ng journey, nagkaroon na ng LIWANAG ang dim naming way dahil sa family secrets. And as we walked on, dinala na kami ni Ivan ng sitwasyon sa scene na pinupuntahan ng lahat ng kuwento—masakit o masaya man—ang WAKAS.

 

Si Hanah pa rin `to, and last part na ng journey ko. See you sa last scene?

LanguageTagalog
PublisherVictoria Amor
Release dateJun 16, 2024
ISBN9798227073358
Antique Heart 3: Liwanag: Claire

Read more from Victoria Amor

Related to Antique Heart 3

Related ebooks

Related categories

Reviews for Antique Heart 3

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Antique Heart 3 - Victoria Amor

    HINDI ko alam na `yong moment na ang peaceful ng tulog ko sa tabi ni Ram sa stairs, ang dami na palang happenings sa labas ng tahimik kong mundo.

    Naging okay kami ni Ram pagkatapos ng first ever real argument na iyon sa Centro. Yes, first ever talaga na totoo kaming nag-argue. Walang long talks or dramatic lines pero alam at ramdam kong okay na kami. Hindi pa hundred percent clear sa akin dati ang walang paliwanag na koneksiyon namin ni Ram pero pagkatapos ng gabing iyon, na lumabas na naman pareho ang mga marka namin, naging malinaw na.

    May something strong na nagko-connect sa amin ni Ram. Something na mahirap i-explain. Something na mas malinaw sa katahimikan. Yes, kasi mas naiintindihan namin ang isa’t isa nang walang pag-uusap. Sa titig lang, sa ngiti lang, sa hawak lang—okay na, wala nang saysay ang mga salita o mahabang paliwanag.

    Ang mga marka ba namin ang connection na iyon? Yeah, and well...real emotions.

    Pero kung ganoon kadali kaming maging okay ni Ram, sina Hanah at Ivan, parang simula pa lang ng long journey nila ang pag-alis ni Hanah nang walang paalam.

    Kung tatanungin ako kung saang banda na sa story ni Hanah ang part na iyon, ang sagot ko?

    Part na nakahanap si Hanah ng mga sagot sa tanong niya. Part ng journey na ang bawat hakbang naming lahat ay iisa lang ang pinupuntahan. Ang dulo ng daan na ang naghihintay sa aming lahat ay...

    LIWANAG.

    1

    SA SININAGAN, napakabilis ang pagdaan ng panahon habang ang Isla Ilumina ay nalubog sa dilim. Noon iyon, noong nilamon ng itim na mahika ang lahat ng may buhay sa isla. Walang naiwan liban sa amin ng kapatid kong nakakulong noon sa kawalan. Nagbalik ang ganda ng kapaligiran ngunit ang mga nilalang na may puso, liban sa maliliit na nakalilipad ay nilamon ng halimaw ng dilim sa bisa ng sumpa ni Lumin.

    Mas pinili ni Hanah na manahimik na lang. Gusto niya ng maraming impormasyon galing kay Xantus. Gusto niyang magkuwento ito tungkol sa Isla Ilumina. Gusto niya ng mga sagot sa maraming tanong. Gusto niya ng katotohanan—nang malinaw at naiintindihan niya. Hindi gusto ni Hanah na para siyang nasa dilim lang at paulit-ulit na naghahanap ng ‘ray of light’ para maging malinaw sa mga mata niya ang lugar na gusto talaga niyang mas makilala at maintindihan.

    Nilamon ng halimaw ng dilim lahat ng nilalang na may puso?

    Kaya ba maliliit na ibon lang at ang puting lobo na lang ni Xantus ang nakikita niyang hayop sa paligid? Ibig sabihin, walang tao or ibang nilalang sa isla? Tama bang nag-e-exist lang si Xu dahil sa mahika ni Xantus?

    Tama ba ang naisip kong kayo lang ni Valtur ang nandito? Walang ibang tao—I mean, other creatures na gaya n’yo—human form? Hindi na nakatiis na tanong ni Hanah. Nagkuwento na rin lang si Xantus, gusto niyang itanong na ang mga gusto niyang itanong.

    Tumango ito. Gamit ang pinagsamang mahika, maibabalik namin ni Valtur ang mga nawala ngunit sa maikling panahon lang. Pagdating sa mga Iluma na pumanaw na, may limitasyon ang oras gamitin man namin ang pinakamalakas na mahika.

    Iluma? ulit ni Hanah. Iluma ang tawag sa mga creature dito sa mundo n’yo?

    Tumango si Xantus. Ikinumpas ang kamay at itinuro sa harap nila ang wand na hawak. Mga Iluma sa Silangan. Sila ang mga puting Iluma o Iluma ng liwanag. Nasa ere na uli ang bituin at sa gitna na parang salamin, nakita ni Hanah ang mga taong lahat nakaputi. Mahahaba rin ang mga puting buhok. Parang walang kaibahan ang mga lalaki at babae liban sa nakataas ang buhok ng mga babae at may mga suot na koronang bulaklak. Parang camera na nag-focus sa dalawang character ang scene na pinapanood niya—hermit looking old man na may gold crown at isang babaeng goddess ang perfect description niya. Nag-uusap ang dalawa. Ang mukhang hermit, halos umabot na sa lupa ang haba ng puting buhok. Ang babae naman, hanggang baywang. Dalawang kulay ang buhok ng babae na nahahati sa gitna—puti at itim.

    Siya si pinunong Luminor, sabi ni Xantus. Ang ama ng Isla Ilumina. At siya, turo nito sa babae. Ang nag-iisa niyang anak na si Lumin, ang nagpabagsak at naglugmok sa isla sa dilim.

    Oh, ang nasabi lang ni Hanah.

    Kumumpas uli si Xantus; nag-iba ang ‘scene’ na pinapanood nila. Mga Iluma sa Kanluran. Sila ang mga Iluma ng dilim, sabi nito. Mga bihasa sa itim na mahika.

    Parang black version lang ng mga Ilumang puti ang mga Ilumang itim. Itim na itim ang mga buhok at itim rin ang mga damit. Kung ang mga Ilumang puti ay napansin niyang blue eyed, ang mga Ilumang itim ay sing-itim ng mga buhok at damit ang kulay ng mga mata.

    Iluma ng dilim si Valtur? hindi napigilang tanong ni Hanah. Paano kayo naging kambal kung Ilumang puti ka? Halata naman na galing sa Silangan si Xantus sa suot pa lang.

    Mula sa Silangan at Kanluran ang Ilumang nag-isa ang puso, dugo at mahika—kaya kami isinilang.

    Ah...

    Masamang kapatid ba si Valtur, Xantus?

    Hindi, mortal. Mas malakas lang ang itim na bahagi ni Valtur. Bukas rin ang puso niya sa dilim. Ang koneksiyong iyon ang humahatak at nagpapalakas sa itim na mahika kaya mabilis siyang napapasok ng halimaw ng dilim. Noong nangingibabaw pa ang itim na mahika sa isla, alipin siya ng halimaw.

    Hindi na ngayon?

    Natapos na ang panahon ng kadiliman.

    Ah... bumalik sa gitna ng bituin ang titig ni Hanah. Bakit pala no’ng nakita ka namin ni Van, naka-Valtur na damit ka? Akala ko talaga ikaw siya!

    Si Valtur ang kilala ng mga mortal. Pinilit niya akong tumawid ng mundo para matiyak na may mga mortal na nakahanap sa mga mahiwagang hiyas. Naramdaman namin ang paggising ng mahika.

    Na-feel n’yo rin pala dito? balik ni Hanah. Share mo ulit `yong iba pang Iluma, Xantus. Gusto kong makita.

    Kumumpas nga ito. Nag-iba ang scene sa ‘magic mirror’—parang mga ordinaryong tao na ang nakita ni Hanah. Mga mortal na busy sa ordinary activities sa isang community. Mga pare-parehong kubo ang tirahan ng mga ito. Ang mga lalaki, mga malalaki ang katawan at topless, may mga white cloth na tali sa noo. Ang mga babae naman, may mga puting bandana at kung hindi knee-length ang bestida or palda, hanggang sakong pa.

    Parang mortal lang sila...

    Mga Iluma sa Timog, sabi ni Valtur. Ang mga Ilumang gumagamit ng mahika ng enerhiya. Nakita ni Hanah ang isang grupo ng mga ito na nagtutulungan para buhatin ang isang kubo. Namangha siya nang makitang nakapalibot lang ang mga Iluma sa kubo at nakalahad ang mga kamay. Walang liwanag o kahit anong halata ng ordinaryong mga mata, na gamit ang mga ito pero nakaangat sa ere ang kubo nang hindi hinahawakan. 

    Kumumpas uli si Xantus. Naging ‘red world’ ang setting ng pinapanood niya sa ‘magic mirror’. Hindi alam ni Hanah kung oras ng sunset iyon kaya dark orange na nagiging red ang langit. Ang mga dahon ng puno at halaman, pula rin? Ang mga tao—Iluma pala—parang mga Iluma rin sa Timog na hindi naiiba sa mga mortal. Mga ordinaryo ang suot, parang mga Pilipino noong unang panahon lang na mahahaba ang damit at wala halos makitang balat. Pero ang halatang kaibahan, pula lahat ang buhok ng mga ito at may mga bilog na pulang nasa gitna ng noo.

    Mga Iluma sila sa Hilaga?

    Tumango si Xantus. Mahika ng dugo ang gamit ng mga Iluma sa Hilaga.

    Ano’ng kapangyarihan nila?

    Sinagot ni Xantus ang tanong ni Hanah sa pagpapakita ng isang scene—isang babaeng pula ang buhok ang hinahabol ng Ilumang itim. Hinarap ng babae ang kaaway at parang sumigaw nang malakas. May lumabas na parang enerhiyang pula sa pagsigaw nito. Sa paningin ni Hanah, parang apoy ang enerhiya na sinunog ang kaaway. Sumabog ang lalaking nakaitim at tilamsik ng dugo lang ang naiwan.

    Shock si Hanah. Hindi agad siya nakapagsalita.

    Ang lakas ng power ni Ate girl!

    Lahat ng mga Iluma na `yan, wala na...wala na ngayon, Xantus?

    Napakalakas ng sumpa ni Lumin. Animo ay nagngangalit na unos ang dumating sa isla. Nilamon ang lahat ng may buhay na nilalang. Ang bawat pusong bumubuhay ng mahika, sinira at winasak ng halimaw ng dilim. Kung hindi sa proteksiyong iniwan ng yumaong pinunong Luminor sa paligid ng isla, hindi na aahon pa at magliliwanag muli ang bituin. Pinatay ng pagkamuhi at maling pag-ibig ni Lumin ang liwanag sa isla.

    Tumango na lang si Hanah. Kung magtatanong pa siya para mas maintindihan ang mga sinasabi ni Xantus, baka abutan na siya ng linggo or buwan, hindi pa sila tapos magkuwentuhan. Kung naka-freeze ang oras sa isla, sigurado siyang hindi sa mundong iniwan niya.

    Si Ivan na galit na or nag-aalala na ang nakita niya sa isip.

    Matagal pa bang magpapalakas si Valtur, Xantus?

    Magpapakita siya kung sapat na uli ang lakas para tumawid ng mundo.

    Ah... May naalalang itanong si Hanah. Nabanggit pala ni Valtur na itinakdang mortal si Clarice. At si Ram, tinawag niyang espesyal na mortal? Ano’ng ibig sabihin no’n? Paki-explain, please.

    Inabot ni Xantus ang kamay niya. Tumingin ka sa mata ko.

    Parang masunuring estudyante na sumunod si Hanah—at naulit na naman ang parang pagsabog ng liwanag habang nakatingin siya sa mga mata nito. Nang maging malinaw uli ang tingin niya, si Ram na ang nakita ni Hanah, sugatan at parang naliligaw. Punit-punit na ang pang-itaas at hirap na hirap maglakad. May napansin siya sa dibdib nito, red star na nagliliwanag?

    Napanganga si Hanah nang makita niyang may babaeng parang may hinahanap rin, lakad-takbo at hindi tumitigil sa pag-ikot. Nasa iisang lugar lang ang dalawa pero nakapagtatakang hindi nagkikita.

    Bakit...bakit hindi makita ni Ram `yong girl?

    Pinaglalaruan lang sila ng itim na halimaw.

    Sino `yong girl? Parang pamilyar pero sigurado si Hanah na hindi pa niya nakita.

    Si Amaia, sabi ni Xantus. Ang Itinakdang mortal na piniling talikuran ang misyon. Panoorin mo...

    Ang sumunod na scene, bumagsak na si Ram. Si Amaia, nakatingin sa pulso—may nagliliwanag rin na pulang bituin!

    At ramdam ni Hanah ang pagkabog ng kanyang puso nang magliwanag nang malakas ang red star ni Amaia sa pulso. Pumikit ang babae at parang may ibinulong bago naglahad ng kamay. Segundo lang, may makinang na silver necklace na sa palad ni Amaia na nagliliwanag ang pendant—ang locket watch pendant na suot niya!

    Ang sumunod na scene, nasa ibang kapaligiran na si Amaia. Hindi gumalaw ang babae. Parang ang paligid ang nag-adjust dito. May kuwebang nakita si Amaia at doon pumasok. Nang lumabas, hawak na nito ang maliwanag na bituin.

    Ang...ang...tanglaw sa silangan?

    Tama, mortal, sabi ni Xantus.

    Pumikit si Amaia at parang may ibinulong sa bituin. Mas nagliwanag ang hawak nito sabay ng liwanag rin ng pulang bituin sa tapat ng pulso ng babae.

    Ang sumunod na nakita ni Hanah, ang pagkawala ng walang malay na si Ram sa kinabagsakan nito.

    Saan...saan napunta si Ram?

    Nakabalik na siya sa mundo ng mga mortal sa bisa ng hiling ni Amaia.

    Flash ng liwanag uli, mga mata ni Xantus ang nakita ni Hanah.

    Ang suot mong kuwintas, dagdag ni Xantus. Hindi ang enerhiya mo ang gumising sa taglay na mahika ng hiyas—ang binatang mortal na kasama mo.

    Si... Si Van?

    Ngumiti lang si Xantus. Hindi pa alam ng mortal ang mahikang ginising niya.

    Ano’ng mahika, Xantus?

    May kakayahan ang hiyas na `yan na dalhin ang tamang may suot sa iba’t ibang panahon.

    Napamaang si Hanah. Iba’t ibang...panahon?

    Time travel?

    MAY twin si Xu? Hindi maalis ni Hanah ang tingin sa itim na itim na lobo na mabagal na naglalakad palapit sa kanila. Nasa lugar pa rin sila kung saan huminto kanina si Xu. Pero hindi na sila nakasakay sa maamong blue eyed wolf ni Xantus. Nakaupo na lang sila sa mga pinong-pino at pantay pantay na yellow green grass—na pinaglalaruan na rin ng mga daliri ni Hanah mula kanina.

    Si Xantus, nasa kanan niya. Katabi naman nito si Xu na parang tao rin na nakaupo at nakikinig sa pag-uusap nila. 

    Nasa ganoon silang posisyon nang makita ni Hanah ang ‘twin’ ni Xu na naglalakad palapit sa kanila. Hindi niya napansin kung saan nanggaling ang hayop. Kung engrossed siya sa paligid at sa pakikipag-usap kay Xantus o talagang sumulpot na lang ang hayop malapit sa kanila, hindi sigurado ni Hanah.

    Si Vu, sabi ni Xantus na sumunod ang mga mata sa hayop na tinititigan na ni Hanah. Nagbalik na ang lakas— Huminto ito at biglang natawa. Ang bilis kumilos ng kamay ni Xantus. Saka lang na-realize ni Hanah na huminto ang hayop at parang nag-iba bigla ang mood—kaaway na ang tingin kay Xu!

    Oh, God... at nagmadaling tumayo si Hanah nang makitang susugod ang itim na lobo.

    Xu, si Xantus na

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1