Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento: (Filipino Edition)
THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento: (Filipino Edition)
THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento: (Filipino Edition)
Ebook174 pages2 hours

THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento: (Filipino Edition)

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isa itong kwento na dapat mabasa ng lahat at mapaguusapan natin dito ang tungkol sa wildlife at pagpapanatili ng kalikasan at ang pagbabago ng kilma. Ang kwentong ito ay magsisimula sa Lupain ng Azar kung saan may mga mahiwang mga nilalang na nakatira sa mga lupain nito. Ang mga nilalang na ito ay kayang magsalita, lumipad, at may pambihirang lakas at mahika. Ang Azar ay matatagpuan sa mas naiibang dimension mula sa Earth. Mayroon itong sariling univers, start system, araw, at mga planeta.

Nagsimula ito walong daang taon na nag nakalilipas, kung saan ang Azar ay nakakatanggpa ng mga bisita mula sa ibang mga planeta. Ang Great Owl na si Theodore, na isa sa mga pinakamarurunong na nilalang sa Azar, ay napagtanto na may isang portal na magbubukas sa ibang mga mundo kada 30 taon at kaya niyang sabihin kung anong araw darating ang mga bisita sa pamamagitan ng pagtatapat-tapat ng mga bituin. Ang portal ay magbubukas para sa bisita para makapasok sila at magbubukas muli sa pagkatapos ng 9 na araw para makabalik din ang bisita sa kanyang pinanggalingan.

Mula sa mga magaganap sa kwentong ito ay ang isang napapanahong aral – Isang uri ng mahika na hinahanap natin ay matatagpuan lamang sa ating mga puso. Sa tulong ng mga Azarians at ng “Tatlong Ginintuang Orden,” kaya nating baguhin ang mundo para sa muling matikman ng ating planeta ang kapayapaan. ❤️

Let’s create a world where
magic thrives, nature flourishes,
and our planet finds harmony once more.
With magical dust,
boundless imagination,
and a heart for conservation.

~Victoria Raikel ❤️
LanguageTagalog
Release dateJun 8, 2024
ISBN9791223047750
THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento: (Filipino Edition)

Related to THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento

Related ebooks

Reviews for THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    THE ENLIGHTENMENT (ANG KALIWANAGAN) Isang mahiwagang kwento - Victoria Raikel

    DALAWANG ARAW BAGO ANG PAGDATING

    A

    NG makapangyaring berdeng dragon ay lumipad ng napakabilis sa kalangitan at dumaan sa itaas ng mga talampas ng Azar, na may kakaiba at kabigha-bighaning mga aerobatic maneuvers.  Bumulusok siya pababa, umikot ng paitaas sa isang nakakahilong paraan, at gumawa ng three-hundred-sixty-degree rolls sa himpapawid na parang wala lang sa kanya. Nag-loop siya paikot-ikot, unti-unting bumilis, at bumulusok sa langit na singbilis ng kidlat. Sinubukan niyang gawin ang kakaibang maneuver na D-bomb o kilala rin bilang Dragon Bomb, kung saan maglo-loop ka ng paikot, untin-unting bibilis, bubulusok paitaas ng sobrang bilis, at magalalaho sa paningin sa isang iglap.

    Ang pangalan niya ay Draconian o Cody kung pinaikli. Itinuturing siyang isa sa mga pinaka mabibilis na nilalang sa Azar. Kinabukasan ay ang Moon Races, kung saan ay makikipagkarera siya sa ibang mga nilalang para sa titolo ng Pinakamabilis na Nilalang ng Azar. Bawat umaga ay nage-ensayo siya para sa karerang ito, at makikita nga ang mabuting epekto nito, dahil ang kanyang top speed ay umabot na sa ten thousand mph, o labing-tatlong beses na mas higit pa sa bilis ng paglalakbay ng tunog, na siya ring tatalo sa pinakamabilis na jet-powered aircraft ng Earth na nasa seven thousand mph.

    Pagkalipas ng isang oras ng masigasig na page-ensayo, si Cody ay napagod narin at lumipad papauwi, sa lugar kung saan siya tumitira kasama ang kanyang pamilya, sa tuktok ng mga talampas kung saan matatanaw ang mga napakagandang mala-turquoise na tubig at mga puting buhangin na mga baybayin ng Azar. Ang pamilya ng mga dragon ay binubuo nina Georgina ang ina, na isang pulang dragon, si Archibald o kilala rin bilan Archie, ang ama, na siya namang isang asul na dragon, at ang kanilang anak na si Cody, na isa namang berdeng dragon. Si Georgina ay abala sa pagbuo ng isang bagyo at paggawa ng kanyang secret recipe para sa dragon beer at iba pang mga exotic na mga inumin na kanyang ihahain sa mga nauuhaw at nagugutom na mga Azarians sa mga karera bukas.

    May kumatok sa pintuan, at sa labas ay nakatayo ang pixie na si Emilie at ang puting tigre na si Nala, dalawa sa mga matalik na kaibigan ni Cody. Si Nala ay isang maringal na puting tigre na may itim na mga linya. Mayroon siyang kapansin-pansin na asul na mga mata at kahangahanga at eleganteng mga pakpak na ginagamit niya sa paglipad. Siya ay napakalaking tignan kapag nakatayo siya sa apat niyang mga paa na may taas na walong talampakan. Kaya niyang tumakbo ng kasimbilis ng kidlat at may lakas siya ng tulad ng sa isang daang pinagsama-samang mga elepante.

    Si Emilie ay isang magandang pixie na may asul na makikislap na mga pakpak. Siya ay may taas na anim na talampakan at may kulay na matingkad na kayumangging buhok na umaabot sa kanyang balikat, may kulay kayumangging mga mata, at kulay olibo na balat. Isa siyang napakahinhin at kaakit-akit na pixie at isa rin sa mga pinakamalalakas na nilalang sa Azar. Kaya niyang magbuhat ng malalaking mga bato at ihagis ng napakalayo gamit ang isang kamay lamang ang mga dambuhalang mga dragon. Siya ay napakatalino, kayang magsalita ng higit sa sampung libong mga lengwahe, kasama na ang karamihan sa mga ginagamit sa Earth. Si Nala at Emilie ay magkasamang nakatira sa isang maaliwalas na kubo na matatagpuan sa Mahiwagang Kagubatan na siya ring madalas bisitahin ni Cody.

    Ang tatlong matalik na magkakaibigang ito ay napili para maging ang welcoming committee para sa mga bisita na tatawid mula sa mga portal. Sila ay naatasang batiin ang mga bisita mula sa unang araw ng kanilang pagdating para ipakita ang mga kabigha-bighaning mga tanawin sa Azar hanggang sa matapos ang siyam na araw ng kanilang pamamalagi. Sila ay magbibigay proteksyon sa mga bisita mula sa kahit anumang makapagbibigay pinsala sa kanila o kung hindi naman ay protektahan ang Azar mula sa mga bisita mismo.

    Si Emilie ang unang napili dahil isa siyang nilalang na may halintulad sa mga tao, dahil narin sa kadahilanang kadalasan sa mga bisita ay mula sa Earth. Mas komportable para sakanila ang makipagusap sa mga halos kawangis nila. Si Nala at Cody naman ay sasamahan naman sila kung sakali mang hindi maganda ang pakikitungo ng mga bisita, sapagkat marami sa kanila ang hindi akma ang pagkilos sa unang mga araw at gumagawa ng mga hindi kanais-nais na mga bagay. Si Nala at Cody ay tumutulong sa pagaasikaso at nagsisilbing transportasyon para sa mga bisita papunta sa ibat-ibang mga lugar sa buong Azar.

    Si Emilie, Nala, at Cody ay nakasanayan na ang pagiging welcome committee at may nakagawian nang paraan para sa pagasikaso sa mga bisita, na siya namang gumagana ng maayos. Nasisiyahan sila sa pagtuklas sa ibat-ibang mga kultura at mga kasanayan na isinasama rin ng mga Azarians sa kanilang mga pang araw-araw na pamumuhay.

    Binuksan ni Archie ang pintuan at sinabi, Aba, si Emilie at Nala ay naparito para sa iyo, Cody. Tumuloy kayong dalawa!

    Pumasok silang dalawa at nakita nila si Georginang pinagsisikapan ang paggawa ng kanyang secret batch.

    Sinabi ni Emilie, Kailangan mo ba ng tulong?

    Sumagot si Georgina, Napakabait mo naman, pero si Archie at ako ay malapit nang matapos. Katatapos lang din ni Cody ang mag-ensayo at paparito narin sa ilang sandali. Bakit hindi muna kayo umupo ni Nala at kumain nitong bagong salang na dragonberry pie?

    Pumasok si Cody at masayang makita ang kanyang dalawang matalik na mga kaibigan. Sinabi ni Nala, Nakita ka naming gawin yung D-Bomb kanina, at mas mabilis pa iyon kaysa sa oras mo kahapon. Siguradong madali mong maipapanalo ang kompetisyon, Cody!

    Umupo silang lahat at pinagusapan ang tungkol sa karera para sa kinabukasan habang lumingon naman si Archie sa may bintana at sinabing, Mukhang mayroon tayong bagong bisita. Ang Kwagong si Theodore.

    Si Theodore ay kilala bilang isang Great Owl na siyang kinikilala bilang isa sa mga matataas na posisyon sa lahat ng mga Azarians. Ang isang Great Owl ay may kaalaman sa lahat ng larangan ng sining at siyensya. Isa siyang tagapagbasa ng mga bituin sa kalangitan at tinitingala siya ng lahat ng mga nilalang sa Azar. Si Theodore ay may taas na apat na talampakan na may lapad ng pakpak na aabot sa labing-dalawang talampakan. Ang kanyang mga balahibo ay may kulay na katamtamang kayumanggi at matingkad na kayumanggi naman sa paikot ng kanyang mukha. Mayroon siyang maitim na malalaking mga mata at matatalim na mga kuko sa paa. Nakasuot siya ng isang makinang na kulay berdeng esmeraldang bato na nakasabit sa kanyang leeg. Si Theodore ay naninilbihan sa Konseho na siyang pinangangasiwaan ang kaligtasan at kaayusan ng mga bisita na mula sa ibang mga mundo. Ang Konseho ay binubuo ng tatlong pinakamatatalino at respetadong mga nilalang sa Azar.

    Lumipad papalapit si Theodore at lumapag sa balkonahe. Napansin niya ang masarap na amoy ng bagong salang na pie at sinabing, Mmmm mmmm, napakasarap naman ng amoy niyan! Mukhang tama lang ang oras ng aking pagdating.

    Lumabas si Cody na may hawak na tray ng bagong salang na pie, mga baso na puno ng dragon beer at isang pitsyel ng Dragon’s Delight, na pinaghalong mga dragonberries, dragonfruit, buko, at iba pang mga exotic na mga prutas. Ang Dragon’s Delight ang paboritong inumin ni Theodore. Umupo silang lahat sa balkonahe, kumuha ng inumin, at pinagusapan ang tungkol sa malaking karera na magaganap kinabukasan.

    Ang sabi ni Archie, Theodore, ilan ang mga kalahok sa Moon Race?

    Ang sagot ni Theodore, Mayroong sampu at mukhang magiging maganda ang kalalabasan!

    Ang sabi naman ni Georgina, Nageensayo ng mabuti si Cody araw-araw at alam ko mananalosiya!

    Tumango ang lahat at sumang-ayon

    Itinaas ni Archie ang kanyang baso at sinabing, Para kay Cody, ang pinakamabilis na nilalang sa Azar!

    Itinaas nilang lahat ang kanilang mga baso at sinabing, Para kay Cody!

    Tinapos ni Theodore ang kanyang pie at sinabi kay Emilie, Nala, at Cody, Kailangan kong kausapin kayong lahat tungkol sa isang importanteng bagay.

    Tumango sila, tumayo, at naglakad patungo sa dulo ng talampas.

    Ang sabi ni Theodore, Mayroon tayong bisitang darating sa loob ng dalawang araw.

    Sagot ni Emilie, Oras na ba ulit para dian? Dalawamput limang taon naba ang nakalilipas?

    Ang sabi ni Theodore, Dalawamput-limang taon na ang nakalilipas nung huling may dumating na bisita. Ikinakatakot ko na muli itong bubukas ng mas maaga kaysa sa inaasahan. Pinagmasdan ko ang mga bituin kahapon, at mukhang maghahanay sila sa loob ng dalawang araw. Bubukas ang portal sa mga katubigan ng Azar.

    Ang sagot ni Nala, Ibig nitong sabihin ay dapat masabihan natin ang mga mermaids ng Meridien. Kailangan nilang maging alerto sa pagdating ng mga bisita.

    Ang Meridien ay isang kaharian ng mga mermaids at mga nilalang ng dagat na tumitira sa mga katubigan ng Azar. Ang mermaid na si Oriana ang Reyna ng Meridien.

    Ang sabi naman ni Theodore, Paroroon ako upang kausapin si Oriana pagkatapos ko rito. Magiging handa sila.

    Ang sagot ni Emilie, At magiging handa rin kami para sa bisita.

    Nagpaalam na sa lahat si Theodore at lumipad sa ibabaw ng mga tubig ng Azar para ipagbigay alam sa Meridien na paparating na ang bisita.

    ISANG ARAW BAGO ANG PAGDATING – ANG MOON RACES

    T

    UMUNOG ANG mga trumpeta bilang hudyat sa pagsisimula ng mga kapistahan. Ang Moon Race ay nagsimula sa Grandstand ng Azar ng eksaktong 7 P.M. nuong ang buwan ay sumisikat ng maliwanag sa langit. Pinangunahan nina Georgina at Archie ang refreshment booth habang nakapila naman ang mga nilalang para matikman ang mga bagong salang na pagkain at mga paborito nilang inumin. Naglaro sila at sumayaw sa mga paborito nilang mga kanta.

    Ang kabuteng si Sammy ng The Mushroom Band ay nagpahayag na ang susunod na kanta ay an gang Electric Moon Rap at tinanong niya ang mga nilalang sa paligid na pumunta sa gitna at sayawin ang Moon Dance. Ang The Mushroom Band ay binubuo ng tatlong miyembro. Si Dewey ang in-charge sa DJ booth at keyboards, si Louie sa gitara, at si Sammy ang lead singer. Sila ay mga malalaking mga kabute na may taas na limang talampakan. Mayroon silang mga mapapayat na braso at mga daliri, mahahabang tangkay, at maiiksing mga binti at mga paa. Mayroon silang malalaki at pulang mga mushroom caps na may mga putting tuldok at nakasuot sila ng mga sunglasses. Ang kabuteng si Sammy ang bida ng palabas, dahil kaya niyang kumanta, sumayaw, at mag rap, at ipinakita ng Electric Moon Rap ang kanyang mga kakayahan.

    Ang lahat ay bumuo ng mga hanay at naghanda. Nagsimulang tumogtog si Dewey ng isang hip-hop beat. At si Louie naman ay nagsimulang mag beatbox sa mikropono. Pumagitna naman si Sammy at nagsimulang mag rap:

    "Kayong lahat na mga kakaibang mga nilalang

    Itaas ang kamay at iwagayway

    Makinig kayo sa akin at sumunod saking sasabihin

    Dahil ako si Sammy Mushroom ng Mushroom Band Production."

    "Halina, kayong lahat, at tumayo ngayon din

    Sayawin ang Moon Dance, at humataw sa tugtugin.

    Two steps to the left, two steps to the

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1